
Maaga pa lamang, sabay-sabay nang kumilos ang mga nanay, tatay, at kabataan upang ipakita ang tunay na diwa ng bayanihan. Nagkaisa ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa ibaโt-ibang barangay sa Presentacion, Camarines Norte, sa isang malawakang โKalinisan Day,โ na naglalayong mapanatili ang malinis, ligtas,at malusog na kapaligiran para sa bawat pamilya. Sa ilalim ng inisytatibo ng DILG at ng Local Government Unit (LGU), ipinakita ng bawat barangay na kapag may pagkakaisa at malasakit, kayang makamit ang malaking pagbabago.
May mga naglinis ng kalsada at kanal, namulot ng mga basurang plastic sa tabing-dagat, naghiwalay ng nabubulok at di nabubulok na basura, at nagtanim ng mga halaman upang mas maging maaliwalas ang paligid. Sa bawat barangay, makikita ang pagtutulungan, pagbibigayan, at tunay na diwa ng bayanihan.
Hindi lamang ito simpleng paglilinis. Ang Kalinisan Day ay simbolo ng disiplina, responsibilidad, at pagmamahal sa komunidad. Bilang mga magulang at benepisyaryo ng 4Ps, layunin nilang maging magandang halimbawa sa kanilang mga anak na ang kanilinsan ay nagsisimula sa tahanan at pinalalawak sa buong barangay at bayan. Ang aktibong partisipasyon nila ay patunay na hindi lamang sila tumatanggap ng tulong, kundi katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kanilang lugar.
Sa sama-samang pagkilos, napatunayan na ang kalinisan ay responsibilidad ng lahat, para sa kalusugan ng bawat pamilya, kaligtasan ng mga anak, at mas maayos na kinabukasan ng buong Presentacion. Kapag bawat barangay ay kumilos, ang buong bayan ay liliwanang. Sa bayanihan, nagiging possible ang pagbabago.
