NAPOLCOM Examination, Passed!

Criminologist Licensure Examination, Passed!
Civil Service Examination, Passed!

Kung ang ibang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ay nangongolekta ng medalya mula sa kani-kanilang mga achievements sa eskwelahan, si Milajane F. Jalimao, eligibility at licensure examinations ang kaniyang โ€œCollectiblesโ€.

Bilang isang dating 4Ps monitored child na tubong Vinzons, Camarines Norte, ramdam ni Milajane ang hirap ng buhay lalong-lalo na ang makapag-aral nang walang isipin na gastusin. Bukod pa sa kaniyang pinansyal na pasanin, maaga rin siyang nawalan ng mga magulang kaya mas naging mahirap ang kaniyang paglalakbay tungo sa inaasam na tagumpay.

Ngunit, hindi ito naging hadlang upang magpursige. Imbes na magpalamon sa hamon ng buhay, patuloy siyang naging matatag at nagpatuloy ng kaniyang pangarap para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga kapatid.

December 19, 2025 nang maipasa niya ang NAPOLCOM examination. Sa kabila ng kaniyang tagumpay, ay ang mga araw ng pagpupursige at mga gabing pagpupuyat sa pag-review. Bilang isang masipag na estudyante, sinisingit niya ang pag-aaral para sa NAPOLCOM exam habang nagre-review din para sa Criminologist Licensure Examination. Napapagod man at minsaโ€™y kinakain ng pressure, patuloy pa rin ang kaniyang pagsisikap.

March 13, 2026, nasungkit niya ang kaniyang pangalawang tagumpay matapos niyang maipasa ang Criminologist Licensure Examination. Isang tagumpay na anim na buwan niyang pinaghirapan sa pamamagitan ng review center at personal na pagrereview.

Patuloy siyang naniwala sa kaniyang kakayahan at itinodo pa ni Milajane ang kaniyang pangarap matapos maipasa ang Civil Service Examination noong ika-5 ng Mayo, 2026. Ngunit hindi ito naging madali sa kaniya sapagkat nakatatlong subok muna siya ng pag-exam bago pumasa. Bagamaโ€™t nabalot siya ng kaba at pagdududa, namutawi pa rin ang kaniyang determinasyon na sungkitin ang kaniyang panibagong tagumpay.

Glamoroso man kung babasahin ang mga pagsusulit na kaniyang naipasa ngunit nananatiling mapagkumbaba at determinadong pantawid beneficiary si Milajane.

Aniya, malaking bahagi ng kanilang buhay magkakapatid ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Simula nang maging bahagi ng programa ang kanilang pamilya, nabawasan ang kanilang mga alalahanin sa pang araw-araw na gastusin at maging sa mga pangangailangan ng magkakapatid sa pag-aaral.

Nakatulong ang 4Ps upang makapagtapos ang kaniyang kuya ng elementarya at high school, habang patuloy naman na inaalalayan ng programa ang isa pa niyang kapatid na nasa high school.

Bukod sa tulong-pinansyal, naging gabay niya rin ang Family Development Session (FDS) sa paghubog ng kaniyang pagkatao lalo na sa usaping kalusugan, nutrisyun, edukasyon, at maayos na pamumuhay.

Lubos ang pasasalamat ng kanilang pamilya sa Department of Social Welfare and Development Field Office V โ€“ Bicol Region dahil naging katuwang ang ahensya ng kanilang pamilya sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Sa kasalukuyan, dalawa na silang magkakapatid na nakapagtapos ng kolehiyo. Para kay Milajane, patunay ang kaniyang kuwento na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang iyong pangarap.

Simple lamang ang kaniyang mensahe: โ€œPatuloy na maniwala sa sarili, magtiwala sa Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa.โ€