โDala pa rin ang mga aral at inspirasyong hatid ng nagdaang 20-day Tutoring and Parenting Sessions ng Tara, Basa! Program, hindi maitago ng 382 parent-beneficiaries ang kanilang tuwa matapos matanggap ang kabuuang PHP 1,546,300 na participation incentives sa payout activity na isinagawa sa Libmanan noong ika-15 ng Hulyo 2026.
โ
โBilang mga aktibong kalahok ng programa, ang bawat pagdalo nila sa parenting sessions habang ang kanilang mga anak ay tumatanggap ng reading interventions mula sa mga Tutors ay may katumbas na PHP 235 kada araw, o kabuuang PHP 4,700 para sa mga nakatapos ng buong 20-araw na sesyon.
โ
โ Bukod sa pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon, nagsisilbi rin itong karagdagang suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya at sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanilang mga anak.
โ
โIlan sa mga magulang ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa pagkakataong maging bahagi ng programa at sa participation incentive na kanilang natanggap.
โ
โAyon kay Nanay Melanie San Juan, “๐๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ฎ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฏ, ๐ด๐ข ๐ด๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐บ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ‘๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฆ๐ฉ. ๐ ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฏ๐ช๐ง๐ฐ๐ณ๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐ญ๐ช, ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ณ๐ช๐ฏ ‘๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข. ๐ ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ต๐ช๐ณ๐ข ๐ฅ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ฃ๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข.”
โ
โDagdag pa niya, malaking tulong ang natanggap niyang incentive upang madagdagan ang kinikita ng kanilang pamilya, lalo na sa gastusin ng lima niyang anak na kasalukuyang nag-aaral.
โ
โ”๐๐ฏ๐ช๐ช๐ด๐ช๐ฑ ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐บ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐จ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ข๐ด๐ข๐ธ๐ข ๐ฌ๐ฐ. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ฐ ‘๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ช๐ฏ๐ช๐ฑ๐ช๐ฅ, ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ต๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ธ๐ข๐ญ๐ข. ๐๐ข๐ธ๐ข๐ธ๐ข ๐บ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ด๐ช ๐ฏ๐ข๐จ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐บ๐ข,”aniya.
โ
โSamantala, naging aktibo rin sa payout activity ang mga Tutors at Youth Development Workers (YDWs), na tulad ng mga magulang ay natanggap na rin ang kanilang Cash-for-Training, stipend, at Cash-for-Work.
โ
โBilang pasasalamat, muli silang naglaan ng kanilang oras bilang mga volunteer upang tumulong sa maayos at organisadong pagpapadaloy ng payout activity.
โ
โIsa sa kanila si Tutor Nicole Sanchez, na nagbahagi kung paano naging mahalagang bahagi ng kaniyang personal at propesyonal na pag-unlad ang Tara, Basa! Program.
โ
โAniya, “๐๐ช ๐ด๐ข๐ฌ๐ถ๐บ๐ข ๐ฑ๐ฐ, ๐ถ๐ฏ๐ต๐ช๐ญ ๐ฏ๐ฐ๐ธ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ข ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐๐ข๐ฏ๐ฌ, ๐ด๐ช 12๐ฌ ๐ฑ๐ญ๐ถ๐ด. ๐๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐จ๐ข๐ฎ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ ๐ฑ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐ช๐จ ๐ต๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฑ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ด๐ช, ๐ฏ๐ข๐ช๐ต๐ข๐ฐ ๐ด๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฌ๐ช ๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ข, ๐๐ข๐ด๐ข!”
โ
โ(“๐๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ฅ๐๐ข๐ฏ๐ฌ ๐ฑ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐๐ฉ๐ฑ 12,000 ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฑ ๐ฌ๐ฐ. ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฎ๐ช๐ต๐ช๐ฏ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ฐ๐บ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ญ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ข, ๐๐ข๐ด๐ข! ๐๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ.”)
โ
โAng pagpapatupad ng Tara, Basa! Program ay bahagi ng mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang literacy interventions at tiyaking mas maraming pamilyang Pilipino ang nabibigyan ng oportunidad na mapaunlad ang edukasyon ng kanilang mga anak.
โ
โSa patuloy na gabay ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, isinusulong ng ahensiya ang mga programang nagpapalakas sa papel ng mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, habang binibigyang pagkakataon ang mga kabataan na makibahagi sa nation-building.
โ
Naging matagumpay ang payout activity sa pangunguna ni Regional Director Norman S. Laurio, sa tulong at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Libmanan, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga serbisyong nagtataguyod ng literasiya at mas magandang kinabukasan para sa mga batang Libmaneรฑo.โ
โ
โ#TaraBasaPH
