Agosto2, 2020 ng maorganisa ang grupong Bagong Pag-asa SLP Association na binubuo ng labindalawang myembro (12) na kinabibilangan ng mga kapatid na nagbalik –loob sa gobyerno. Ang grupo ay mapalad na nabigyan ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program sa tulong ng Project Development Officer (PDO) at sa pakikipag-ugnayan sa PSWDO, AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Isinagawa ang iba’t-ibang aktibidad kagaya ng papupulong, pagsasagawa ng indibidwal na panayam at pagusuri sa bawat miyembro. Sila rin ay sumailalim sa pasasanay tungkol sa bagong panimula ng pagnenegosyo at paghahanda para sa kanilang mga mithiin sa buhay kagaya ng adhikain ng ating gobyerno na matulungan ang mga kapatid na nag aalsa sa gobyerno at mabigyan ng mga programa at serbisyo.
Batay sa pagpupulong ng mga nagbalik loob sa gobyerno at PDO, nagkaroon sila ng kasunduan na bumuong grupo para sa kanilang uumpisahang hanapbuhay para na din makatulong sa kanilang pamilya. Bawat isa sa kanila ay binigyang oportunidad para makapagbahagi ng kanilang opinyon at kuro-kuro.
Dahil sa ginawang pagpupulong napag-alaman na ang ng grupo ay nais makapagtayo ng negosyo na naaayon sa kanilang mga kapasidad tulad ng pagaalaga ng hayop kagaya ng manok. Ang ibang miyembro ay may konti ang karanasan sa pag-aalaga subalit nais ng grupo na madagdagan pa kanilang kaalaman sa pag-aalaga ng manok.
Sa bawat pagpupulong dito makikita kung gaano ang determinasyon, tiyaga at interes ng mga miyembro sa bawat aktibidad na ginagawa dahil sila mismo ay nagkaroon ng pagkakaisa para magkaroon ng isang proyekto. Pagkatapos ng lahat ng proseso sa tulong ng nakatalagang PDO ng programa para maisakatuparan ang proyekto ay unti-unti rin na nabuo ang pangarap ng bawat myembro ng assosasyon.
Ang DSWD-Sustainable Livelihood Program ay nakapagbigay ng Livelihood Settlement Grant (LSG) sa Bagong Pag-asa SLP Association na may kabuuang halaga na Php 180,000.00 katuwang ang Provincial Government Unit/PSWDO na nagpaapot din ng halagang Php 35,446.00.
Marami rin na ahensiya ng gobyerno ang sama-samang nagpaabot ng tulong sa ating mga kapatid na nagbalik loob gaya ng DILG na nagbigay din ng cash assistance, TESDA sa pagbibigay ng training sa Broiler Production at Carpentry, DOLE para sa pagbibigay ng mga kagamitan, at DA para sa pagbibigay ng Technical assistance, ito ay bilang tugon at suporta sa implementasyon ng ating pamahalaan sa EO70.
Opisyal na pagbubukas ng Bagong Pag-asa SLPA
Noong Pebrero 17, 2021 ay nagsimula ang pagsasanay ng grupo para sa Broiler Production cum Establishment of Production Site at patuloy sa paggawa ng kanilang poultry house, pagbili ng mga materyales at iba pang mga kinakailangang gamit sa kanilang napiling negosyo.
Pagkalipas ng halos apat na buwan, noong Hulyo 14, 2021 ay opisyal ng nagbukas at naibigay sa grupo ang kanilang sisimulang negosyo sa loob ng Camp 902nd Infantry Brigade, Camp Busig-on, Tulay na Lupa, Camarines Norte.
Ang mga miyembro ng Bagong Pag-asa SLPA ay naglakas loob na magbalik loob sa gobyerno dahil sa maling adhikain na ipinapamulat sa kanila. Ang kanilang paniniwala sa pagbababago ay isang hakbangin para baguhin ang kanilang buhay.
Ang DSWD-SLP, PSWDO, PROVET at AFP ay patuloy din ang ginagawang pagsubaybay sa proyektong ito ng grupo para siguraduhin na ito ay magbibigay ng pag-asa sa Bagong Pag-asa SLPA. #kontribusyon mula kay PDO II-Janeth Miranda at Chessa Vibar