
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Isinagawa ng DSWD FO V ang Pre-Deployment Activity ng Tara, Basa! Tutoring Program sa Daraga Community College noong ika 30 ng Abril, 2025.
Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region ang Pre-Deployment Activity ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) noong ika-30 ng Abril 2025 sa Daraga Community College (DCOMC). Layunin ng aktibidad na maihanda ang mga Tutors at Youth Development Workers (YDWs) para sa implementasyon ng programa mula Mayo 19 hanggang Hunyo 14, 2025, sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang oryentasyon, mahahalagang paalala, at pamamahagi ng mga kits na kanilang gagamitin.
Dinaluhan ito ng mga pangunahing opisyal na sina Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, Deputy Program Manager – TBTP NPMO Director Elma Salamat, Regional Director Norman S. Laurio, mga TBTP focal persons, at iba pang kawani ng DSWD at ng programa. Nakiisa rin ang humigit-kumulang 153 benepisyaryong mag-aaral mula sa DCOMC.
Nagsilbi rin ang aktibidad bilang pagpapatibay sa mga naunang tinalakay sa Capacity Building sessions noong ika 30 ng Marso hanggang ika 11 ng Abril, 2025. Muling tinalakay ang mga mahahalagang usapin gaya ng tungkulin at pananagutan ng mga Tutors at YDWs, adbokasiya para sa kabataan sa ilalim ng Bagong Pilipinas, Child Protection Policy, mga Administrative Requirements, at ang Grievance Protocol ng programa. Ipinakilala rin sa aktibidad ang mga Social Welfare Assistants na itatalaga upang gabayan at i-monitor ang mga Tutors at YDWs sa loob ng 20 araw ng aktwal na sesyon, gayundin ang kanilang mga area of assignment sa kani-kanilang paaralan.
Sa mensahe ni USEC for Innovations 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗣𝘂𝗻𝗮𝘆, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng TBTP bilang isang konkretong paraan para makapagbalik ang mga iskolar ng bayan sa sambayanan. Ayon sa kanya, bagama’t may kaakibat na pressure ang pagkakaroon ng libreng edukasyon, may pagkakataon ang mga estudyante ng SLUC na makatulong sa nation building sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga batang hirap sa pagbasa. Dagdag pa niya, ang programang ito ay hindi lamang serbisyo kundi isang pagsasanay upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagtuturo. Bukod sa karanasan, may matatanggap ding cash-for-work ang mga kalahok, kaya’t isa itong oportunidad na parehong makapagsilbi at makinabang. Hinikayat din niya ang mga kalahok na samantalahin ang pagkakataong ito bilang paghahanda sa kanilang magiging propesyon.
Nagbigay rin ng mensahe si TBTP Director 𝗘𝗹𝗺𝗮 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁, at aniya: “𝘐 𝘩𝘰𝘱𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘶𝘴𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘵𝘰𝘰𝘭𝘴 𝘵𝘰𝘨𝘦𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘪𝘯 𝘪𝘯𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘦𝘳𝘴. 𝘐𝘯𝘴𝘱𝘪𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘮 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶—𝘵𝘰 𝘢𝘴𝘱𝘪𝘳𝘦, 𝘵𝘰 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮 𝘣𝘪𝘨𝘨𝘦𝘳, 𝘵𝘰 𝘴𝘵𝘶𝘥𝘺 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳, 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘰 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯 𝘩𝘰𝘸 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘢𝘥. 𝘉𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘳𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴 𝘢 𝘨𝘢𝘵𝘦𝘸𝘢𝘺 𝘵𝘰 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘴𝘶𝘣𝘫𝘦𝘤𝘵𝘴. 𝘐 𝘩𝘰𝘱𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘳𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘛𝘉𝘛𝘗 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶—𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘱𝘰𝘵𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺. 𝘙𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶’𝘷𝘦 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘦𝘥, 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳𝘭𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘦𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘤𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘦𝘴𝘵𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘩𝘪𝘭𝘥𝘳𝘦𝘯. 𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘪𝘯𝘴𝘱𝘪𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘣𝘦𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘤𝘪𝘵𝘪𝘻𝘦𝘯𝘴. 𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘴𝘵𝘳𝘶𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘢𝘴𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘴 𝘩𝘢𝘳𝘢𝘳𝘰𝘮 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨 𝘢𝘮𝘣𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘳𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘮𝘶𝘨𝘵𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘯𝘦𝘱𝘦𝘴𝘪𝘢𝘳𝘺𝘰. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘨-𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘨𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘛𝘢𝘳𝘢, 𝘉𝘢𝘴𝘢!”
Ang Pre-Deployment Activity ay isinagawa sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian at sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, bilang isang mahalagang hakbang sa paghahanda ng mga kabataang kalahok upang maisakatuparan nang maayos at matagumpay ang layunin ng TBTP sa Rehiyon ng Bicol.
Ang TBTP ay isang reformatted educational assistance na nagbibigay ng cash-for-work sa mga mag-aaral sa kolehiyo at mga pamilyang may mababang kita. Sila ay itatalaga bilang mga Tutors at YDWs na magsisilbing tagapagturo ng mga batang nahihirapan sa pagbabasa at tagapagdaloy ng mga Nanay-Tatay Sessions. Layunin ng mga sesyong ito na palakasin ang papel ng mga magulang sa pagtataguyod ng pagkatuto sa loob ng tahanan.###