Patapos na ang ginagawang household assessment ng DSWD sa tatlong libo, anim na daan at tatlong (3,603) kabahayan sa rehiyong Bicol.
Ayon kay DSWD Regional Director Arnel B. Garcia,ang assessment na ito na nagsimula noong Abril ay pagpapatuloy lamang sa ginawang pagsusuri sa mga sambahayan sa buong rehiyon.
Matatandaang nagkaroon ng malawakang surbey noong Abril hanggang Disyembre taong 2015, kung saan naitala ang tatlong daan anim na pu’t siyam na libo , tatlong daan siyamnapu’t limang (369,395) mahihirap na sambahayan mula sa mahigit isang milyon na sinuri ng Listahanan.
Aniya ni Garcia ang aktibidad na ito ay parte ng huling bahagi ng proyekto na kung saan binabalikan ang mga kabahayan na hindi napuntahan nung regular na surbey.
Ang resulta ng mga nakalap na impormasyon ay idadaan sa masusing pag aanalisa at pagtatasa para matukoy kung sino ang mga pamilyang nangangailangan.
Dagdag pa ni Garcia na ang Listahanan ay isang proyektong ipinapatupad ng DSWD na naglalayong tukuyin kung SINO at SAAN ang mga mahihirap na sambahayan sa buong bansa.
Ito ay nagsisilbing batayan sa pagpili ng mga benepisyaryo ng mga programa at serbisyo para sa mahihirap.###