Mahigit sa isang libong benepisyaro ang dumalo sa pagdiriwang ng Copper Anniversary (ika-pitong taong) Anibersaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Profgram (4Ps) sa Mobo, Masbate noong nakaraang ika-anim ng Septyembre.
Ayon sa mensaheng inihatid ni DSWD Dir. Arnel Garcia, ikinagagalak niya ang patuloy na suporta ng mga kapartner na ahensya ng gobyerno, mga Civil Society Organizations kabilang na ang lokal na pamahalaan ng Mobo.
Sinabi nito na ang layunin ay maipakita ang may malasakit na programa sa publiko upang malaman ng mga benepisyaryo na ang pagbangon mula sa kahirapan ay isang nagpapatuloy na proseso na hindi maaaring masolusyunan ng isang programa o ahensya lamang.
Binigyang diin nito na malulutas lamang ang suliranin ng kahirapan sa patuloy na pakikipagugnayan at pakikipagtulungan sa isa’t isa ng bawat ahensya ng gobyerno kabilang na ang lokal na pamahalaan.
Ipinahayag din ni Dir. Garcia ang patuloy na suporta ng Kagawaran sa Munisipyo ng Mobo.
Bahagi din ng selebrasyon ang pagpapakita ng sari-saring gulay at prutas na sariling pananim ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa Product Display Competition.
Bukod pa rito ay naibahagi din sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang impormasyon patungkol sa Extended Aid to Individual in Crisis Situation na isa sa mga programa ng DSWD at ang patungkol sa Alternative learning System.
Nagbigay din ng parangal sa nasabing anibersyo ng Best Parent Leader sa 29 na barangay sa nasabing Munisipyo.***G.A.N.Lindio, IO-II