“Edukasyon ang tanging maipapamana ko saiyo. Nasa iyo na kung mamamatay kang  mahirap”, pangaral ng ina ni Rafael. Hayskul lamang ang naabot ng kanyang ama’t ina, subalit iginapang nilang makapagtapos ang mga anak sap ag-aaral.  

Nagtatrabaho ng marangal bilang construction worker at paminsan nama’y nakikisaka and ama ni Rafael. Ang kanyang ina nama’y may munting tindahan sa kanilang bakuran. Lumaki si Rafael sa payak at masayang pamilya, subalit hindi sapat ang kita ng mag asawa pantustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Laking pasasalamat  

ng kanilang pamilya nang mapabilang sila sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang  Pilipino Program (4Ps) simula sa taong 2011. 

Bilang benepisyaryo ng programa, maraming natutunan si Rafael at kanyang pamilya.  Saad niya: “nakatulong ang Family Development Sessions upang lumakas ang tiwala sa  sarili ng aking ina kahit hayskul lamang ang inabot. Kasalukuyan na siyang Presidente ng  Fatima Ladies’ Association – isang asosasyon na nabuo sa tulong ng Sustainable  Livelihood Program ng DSWD.” Napansin din niya na masusustansyang pagkain ang

inihahain sa kanilang hapag. Hindi nya rin makalimutan na lagi na sya nakakainom ng  gatas sa tulong ng cash grant na natatanggap mula sa programa. Ilan ito sa mga dahilan  kaya’t nagpursige din siya makatapos upang makatulong sa mga magulang. Umunlad na  rin ang kanilang pamumuhay, dati’y barong-barong ang kanilang bahay, ngayo’y  napaayos na at gawa na sa konkreto. Nabayaran narin nila ang sinangla na lupa at sa  ngayo’y nag-aalaga na sila ng mga hayop sa kanilang sakahan.  

Tumatak sa isip ni Rafael ang pangaral ng ina kaya sa kasalukuyan, isa na siyang guro  sa Mabini Colleges, Inc. Nagtatrabaho naman sa isang factory ang kayang kakambal, at  ang kanilang bunsong kapatid ay kasalukuyang nasa kolehiyo. Sa pagtatapos ng kanilang  benepisyo, isang hamon ang kanyang isiniwalat sa kapwa benepisyaryo: “Bilang dating  benepisyaryo ng 4Ps, dapat magpasalamat tayo at maging blessed sa mga oportunidad  na binigay ng gobyerno. Gawin natin itong instrumento para makaahon sa kahirapan at  maging isang halimbawa ng isang matagumpay na Pilipino.” 

4Ps 

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang permanenteng pambansang  istratehiya ng gobyerno upang puksain ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng  pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino upang mapabuti  ang kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon. 

Ang isang mahirap na pamilya ay maaring mapabilang sa programa kung sila ay  makakasunod sa batayang ito: 

  • Mayroong 0 to 18 taong gulang na anak 
  • Mayroong buntis na myembro ng pamilya sa panahon ng rehistrasyon Kusang susunod sa mga kondisyong nakapaloob sa programa 

Sa rehiyong Bikol, mayroong 385,892 pamilyang benepisyaryo ang programa.