Set 12 ng 4Ps
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay kasalukuyang nagsasagawa ng
balidasyon at pagrehistro ng mga bagong benepisyaryo sa ilalim ng SET 12. Base sa
Listahanan 3, mayroong mahigit 105,000 pamilyang maaaring maging benepisyaryo.
Sila ay papalit sa neg-exit o nag-graduate mula sa 4Ps. Ang mga pangalan ng talaan ng
mahihirap ay ipapaskil sa mga barangay hall at mga Katutubong Pamayanan o Tribal
Hall sa loob ng 15 araw simula 23 January 2023.
Ang mga potensyal na sambahayan ay dadaan sa masusing balidasyon at assessment
sa pamamagitan ng Community Assemblies at house-to-house validations simula
February 13 hanggang March 3, 2023 para makapagpa-rehistro sa Pantawid Pamilyang
Pilipino Program ang mga kwalipakado at karapat-dapat lamang na sambahayan.
Narito ang listahan ng mga dokumento na kailangan ihanda ng mga potensiyal na
benepisyaryo para sa pagpaparehistro:
1. Marriage Certificate (maaari din ang Barangay Captain or Tribal Chieftain Certificate
2. Birth Certificate (maaari din ang Barangay Captain or Tribal Chieftain Certificate,
Baptismal Certificate, School Card Form 137, Cedula with certificate of indigency issued
by C/MSWDO)
3. School Enrolment Certificate (maaari din ang Photocopy ng School ID)
4. Health Certificate (maaari din ang Community Health Card, Baby Book o
Immunization Card)
5. Valid ID: Senior Citizen ID, PWD ID, Passport, PRC, Commpany ID, at iba pang
government issued ID
6. Death Certificate (kung patay na ang potential grantee; maaari din ipresenta ang
Barangay Captain or Tribal Chieftain Certificate)
7. 2×2 picture (2pcs) / 1×1 picture (2pcs) with white background
Ano ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps?
Naisabatas noong Abril 2019 bilang Republic Act No. 11310 o 4Ps Act, ang
pagpapatibay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang pambansang
stratehiya ng paglaban sa kahirapan at pamumuhunan ng yamang tao (human capital
investment) na nagbibigay ng ‘conditional cash transfer’ sa mga mahihirap na
sambahayan sa loob ng pitong (7) taon, para mapabuti ang kanilang kalusugan,
nutrisyon, at edukasyon.
Ang mga grantee ng 4Ps ay kailangang dumalo sa buwanang Family Development
Session (FDS) kung saan sila ay binibigyan ng kaalaman tungkol sa programa,
pagkilala sa sarili, pagiging responsableng magulang, paano maging aktibo sa
komunidad, paghahanda sa sakuna at iba pang paksa na naaayon sa kanilang
pangangailangan. Ginagabayan din sila sa pamamagitan ng 4Ps Kilos Unlad Social
Case Management kung saan tinutulungan ang benepisyaryo sa kasanayan sa
pagresolba ng mga suliranin sa pamilya, relasyon, pamamalakad ng pamumuhay at iba
pa. Taon-taon ay nagsasagawa ng SWDI ang programa para sa pagtatasa ng level of
well-being ng mga benepisyaryo. Sa Rehiyong Bikol, mayroong 90,651 4Ps household
beneficiaries ang naka-graduate na sa programa sa taong 2022. Ang mga nakagraduate sa programa, ang ibig sabihin nito ay tumaas na ang antas ng kanilang
pamumuhay. Ibig sabihin ay may kakayahan at kapasidad na sila maging produktibo at
tumindig sa sariling mga paa. Ang mga gumraduate sa programa ay maituturing na
tagumpay ng programa sapagkat nakatawid na sila mula sa kahirapan.
Samantala, tinatanggal ang benepisyaryo ng 4Ps kapag:
● hindi sumusunod sa mga kondisyon ng 4Ps na kanilang sinumpaang sundin
(ayon sa pinimihan nilang Panunumpa)
● Napatunayang patuloy na naglalasing, nagsusugal, paggamit ng ipinagbabawal
na amut o nagsasangla ng kanilang ATM cash cards sa kabila ng gabay upang
matulungan kung anuman ang sanhi ng pagsasangla.
● Nagbigay ng maling datos at impormasyon tungkol sa sambahayan, lalo na
kapag may layuning mandaya o manlamang sa matatanggap na cash grants
Maaring magreresulta sa pagkatanggal sa programa ang sinumang benepisyaro na
hindi nakaka-comply sa kahingian ng programa. Ang hindi sumusunod ay bibigyan ng
karampatang aksyon at ipa-iiral ang proseso ng Grievance Redress System:
a. First Offense – Warning letter galing sa Provincial Link at case management sa
pangunguna ng city/municipal link na magsisilbing refresher course upang
maipaliwanag sa kanila ang mga guidelines at polisiya ng programa upang hindi na
maulit ang paglabag.
b. Second Offense – Warning letter mula sa Regional Director, pagsuspinde ng cash
grants sa loob ng dalawang buwan, at case management.
c. Third Offense – Permanenteng pagkatanggal sa programa. Nais naman nating
bigyang-diin na binibigyan ng pagkakataon ng ahensya ang mga benepisyaro nito sa
pamamagitan ng social case management upang hindi sila agarang matanggal sa
programa.