Ang pamilya Banaag ay may payak at salat na pamumuhay noong bago
sila maka pasok sa programa. Sila ay naninirahan sa isang maliit na bahay
na gawa sa kahoy at anahaw. Si tatay Ricardo ay namamasukan noon sa
isang kompanya sa Maynila bilang truck driver, habang si nanay Amalia ay
isang Barangay Health Worker (BHW). Ngayong sila ay nagtapos na sa
programa, ang ama ng tahanan ay mayroon nang sariling tricycle ngayon
na gamit sa pamamasada araw-araw. Habang ang ina ng tahanan naman
ay mayroon nang buwanang honorarium sa barangay bilang Barangay
Nutrition Scholar (BNS) at siya rin ang kasalukuyang Presidente ng
Federation of Barangay Nutrition Scholar sa bayan ng Manito. Nakapag
patapos na rin sila nang dalawang kolehiyo na ngayon ay mga ganap
nang public school teacher at Child Development Center teacher.
Sipag, tyaga, at determinasyon ang naging puhunan ng pamilya upang
makapag aral ang kanilang mga anak. Hindi man ganoon kalaki ang kinikita
ng pamilya ngunit para sakanila sapat na ang siyam (9) na taong ibinigay
sakanila nang programa upang maitawid sa mga pagsubok sa buhay at
harapin ngayon ang mga panibagong hamon nang buhay gamit ang mga
bagay na naituro at naisiwalat sakanila nang programa sa pamamagitan ng
Family Development Session (FDS).
Malaki ang naitulong nang programa sa benepisyaryo, hindi lamang sa pag
bibigay nang pinansyal na pangangailangan bagkos sa mga kaalaman
kung pano bigyang prayoridad ang mga mahahalagang bagay na may
kahalagahang dulot sa pamumuhay. Bilang BHW sa kanilang barangay,
siya ay nagkaroon nang kaalaman patungkol sa usaping pang kalusugan,
naibabahagi nya sa kanilang komunidad lalong lalo na sa kanyang pamilya
ang pagpapa-halaga sa kalusugan at pagbibigay nang payo para
magkaroon ng access sa health centers upang mabigyan nang agarang
solusyon ang mga may karamdaman. Dahil din sa programa, mas
nagkaroon sila nang rason para pagtibayin ang pag aaral ng mga anak
sapagkat noong panahon ay hirap sila dahil sa kakulangan sa kita ng
pamilya.
Ang FDS naman ay syang naging daan para malaman at maranasan nya
ang mga bagay na di nya ngagawa noong wala pa ang programa. Nalaman
ng benepisyaro ang mga batas na nagpoprotekta sa pamilya at iba pa,
natuto din sila nang tamang budgeting dahil sa mga financial literacy na
itinuturo sakanila, nagkaroon sila ng kamalayan at nakabisa ang iba’t ibang
ahensya ng gobyerno at mga programa at serbisyong hatid nito. Tinuruan
din sila nang ibat’t ibang pamamaraan ng pagtatanim gamit ang biointensive gardening, at kung paano maging listong pamilya sa panahon ng
kalamidad at sakuna. Ang mga bagay na ito ay iilan lang sa magandang
dulot at bunga nang pagpapahalaga sa programa.
Bilang Presidente ng BNS sa bayan ng Manito, ilan sa mga bagay na
boluntaryong ibinabahagi ng benepisyaryo ay ang pag gabay sa mga
Barangay Health Workers sa pagkuha at pag monitor nang buwanang
timbang ng mga bata, pag purga sa mga bata, pag kuha ng blood pressure,
pagiging tulay upang mabigyan nang gamot na kailangan ang mga taong
may sakit, profiling para sa pagbabakuna, at record-keeping para sa
barangay profile.
Si nanay Amalia ay kasalukuyan ding kabilang sa barangay health
emergency response team o BHERT sa kanilang barangay. Sila ang
nagmomonitor, taga-hahatid ng mga pagkain at iba pang tulong para sa
mga pasyenteng may COVID at mga pamilyang naka quarantine. Maliban
sa mga nabanggit na gawaing ibinabahagi nya sa komunidad, siya din ang
volunteered Parent Leader sa kanilang parent group mula February 2021.
Hindi sya nag atubiling mag boluntaryo dahil kanyang iniisip ang kapakanan
ng kanyang grupo gayundin ang kakayahan nyang maka tulong dito at sa
programa.
Ang pagbigay ayuda sa mga naapektuhan ng kalamidad lalo na sa bagyo
ay isang inisyatibong kanilang naiisip batay sa nakikita nilang pangangailangan sa kanilang komunidad. Namimigay sila nang
pinag- lumaang damit at perang tulong pambili ng agarang pangangailangan
tuwing may malakas na bagyong namiminsala. Ang pamilya ay nakiki-isa
din sa baranagay na maipa abot ang tulong sa mga mamamayan lalong lalo
na sa mga serbisyong pangkalusugan at medilkal. Dahil diyan, sila ay
napapa-bilang sa sa mga pro-active na mamamayan ng komunidad na
naglalayong maipa-abot ang concerns sa kinauukulan at tumutulong upang
magawan ng solusyon ito. Ang lahat ng miyembro ng pamilya ay
nagtutulong-tulong sa paghahanda ng mga ipamimigay na damit sa mga
apektadong mamamayan ng barangay.
Batid ng pamilya Banaag ang hirap kaya’t ang pagtulong sa kanilang
komunidad sa panahon ng kagipitan o sakuna ay nagbibigay ng kaligayan
sa pamilya gayundin sa parte ng natutulungan nito. Hindi man karamihan
at kalakihan ang napapamahagi, gayunpaman, malaki ang kasiyahang
hatid nito. Isa din itong inspirasyon para sa mga gustong tumulong sa
komunidad at nais din ipabatid ng pamilya sa komunidad na hindi hadlang
ang kahirapan upang makatulong sa kapwa nangangailangan. Kaya nang
bawat tao bumangon sa kahit anong hamon, basta’t laging may
determinasyon at pananalig sa Panginoon.