Nagsimula na kahapon ang DSWD sa pagdeploy ng karagdagang kawani na mag bibigay ayuda sa pagmonitor sa mga evacuation centers sa bayan ng Guinobatan sa Albay.
Nagdagdag ng limangpu’t dalawang (52) empleyado ang ahensya na siyang tutulong sa pagmonitor at magsagawa ng mga aktibidad para maibsan ang mga problema at pag aalala ng mga bakwit na apektado ng Mayon.
Ayon kay Regional Director Arnel Garcia, ang pagbibigay ng mga aktibidad sa mga evacuation centers ay mahalaga upang mawala ang pag kabagot at problema ng mga evacuues.
Dagdag pa ni Garcia, isa rin itong pamamaraan para madebrief ang mga tao sa trauma at takot na kanilang naranasan.
Ang bayan ng Guinobatan ang naatang sa ahesya sa para imonitor at maging co-camp manager para mapabilis na mabigyan ng ayuda ang mga apektadong bayan sa pag-aalburuto ng Mayon.
Sa kasalukuyan nakapag tala ang DSWD ng 3,198 na pamilya sa nasabing bayan. Mayroon itong 17 na evacuation centers na nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga apektadong pamilya sa 7 barangays.
Sa kabuuhan, mayroong 22, 219 apektadong pamilya sa Albay at ang probinsya ay nanatili pa rin nasa Alert level 4.
Samantala, nakapagbigay na ng 32, 833,008.72 na karagdagang tulong ang DSWD sa probinsya at nanatiling nakaalalay sa mga lokal na pamahalaan kung sakaling mangailangan pa ng dagdag na tulong.###