San Andres, Catanduanes – Sinisigurong malusog at ligtas sa sakit ni nanay Meden Solero, RM ang kanyang mga nasasakupan bilang isang komadrona (midwife)

Bilang isang ina na may apat na mga anak, mahirap para sa kanya ang
suportahan ang mga ito sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa
kanilang pag-aaral. Bago mapabilang sa programa, si nanay Meden ay
isang Barangay Health Worker (BHW) na maliit lamang ang kinikita buwanbuwan. Pagmamaneho naman ng traysikel ang pinagkakakitaan ng
kanyang asawa. Mahirap para pagkasyahin ang kanilang kita mag-asawa
upang suportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng buong
pamilya.

Taong 2007 nang mapabilang ang sambahayang Solero sa Pantawid
Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Malaking tulong ang naibigay ng 4Ps sa
buhay ng benepisyaryo patungkol sa kalusugan dahil nagagawa na nilang
ipatingin sa doktor ang kanyang mga anak at nabibili ang kinakailangan
gamot sa mga panahon na sila ay nagkakasakit. Bukod pa dito ay
nabibigyan ding tuon at badyet ang pagkain nang masustansya. Patungkol
naman sa edukasyon, malaki ang naitulong ng 4Ps sa pag-aaral ng mga
anak. Ngunit, hindi lamang para sa mga anak napagkakasya ang
nakukuhang cash grant, kundi para na rin kay nanay Meden na nagpatuloy
muli ng pag-aaral. Sa taong 2009, siya ay nag-aral ng agriculture sa loob
ng dalawang taon. Pagkatapos nito, nag-aral siyang muli ng midwifery sa
loob ng dalawang taon. Dahil sa suportang ibinigay ng programa ay

naitawid nya ang pag-aaral kasabay ng pagtataguyod sa pag-aaral din ng
kanyang mga anak at pagiging ilaw ng tahanan sa kanyang pamilya. Siya
ay kasalukuyang nag-aaral pa rin ng Bachelor of Science in Midwifery at
nakatakdang magtapos sa darating na Setyembre 2021. Pagdating naman
sa kanynag mga natutunan sa Family Development Session (FDS), mas
nalinang at lumago ang kanyang kaalaman patungkol sa Responsible
Parenthood na kanyang ginagamit sa pagtataguyod ng kanyang mga anak.
Taong 2015 nang mabigyan ng permanenteng trabaho ng kanilang LGU
bilang isang midwife si nanay Meden. Bunsod nito, kusang nag-waive sa
programa ang pamilya Solera sa taong 2016. Ang kanyang asawang si
Pelagio naman ay tumigil na sa pamamasada ng traysikel at itinuon ang
oras sa pagtatanim ng mga gulay sa lupain na kanilang naipundar. May
trabaho at sariling pamilya na ang kanilang panganay, ang ikalawa naman
ay isa nang pulis at siyang tumutulong sa pangunahing pangangailan ng
pamilya. Dalawa na lamang ang nag-aaral sa apat na anak – isang nasa
kolehiyo at isang Grade 10 ngayong pasukan.

 

 

Sambahayang Solera – Waived Household Beneficiary ng 4Ps sa taong 2016

 

Maraming pangarap ang natupad ng kanilang pamilya dahil sa tulong ng
4Ps. Ngunit patuloy pa rin si Nanay Meden na nangangarap para sa dalawa
niyang anak na nag-aaral pa upang makapagtapos, magtagumpay sa
buhay, at makamit ang kanilang mga pangarap balang araw.

Aniya: “Itinuturing kong malaking biyaya ang pagiging benepisyaryo ng
programa. Masaya at mapalad ako sa tuwing nakakatanggap ng cash grant
kaya’t hindi ko sinasayang ang pera, inilalaan ko ito sa pag-aaral at mga
pangangailangan ng aking mga anak. Sinikap ko din mag-aral muli upang
magkaroon nang mas maayos na trabaho.” Sa ngayon, umaasa siya na
ang pag-waive nila sa programa ay magbibigay-daan upang may isang
pamilya na naman ang matulungang makaahon at makaalpas sa sikulo ng
kahirapan, katulad nang naging tagumpay ng kanilang pamilya.