Mula pagkabata nakagisnan na niya ang mundo ng takot sa kapaligiran at walang permanenteng masasabing tahanan. Lumaki siyang laging may kaba sa kanyang dibdib na makita ng mga kalaban.Namulat siya na kailangan protektahan ang kilusan at ang mga kasapi nito at sa oras na may kalaban kailangan nilang maitago ang mga armas sa ilalim ng lupa at magkunwaring ordinaryong tao sa harap ng mga kalaban.
Itinalaga siyang Intelegence Officer ng kilusan para mas mabilis na maisakatuparan ang kanilang adhikain na “Ang batas ay para sa mga mayayaman lang” paano naman ang mga hikahos na walang maibayad sa abogado ang siyang nahahatulan ng walang pakundangan. Ayaw nila ng mabagal na proseso kaya ang may kasalanan kapag napatunayan ay agad nilang hinahatulan ng kamatayan lalong-lalo na sa mga rapist, drug trafficker, durugista at mga tiwaling nasa puwesto na ginagamit ang posisyon para makamit ang pansariling kapakanan. Ang magnanakaw ay kasama rin na isa ring nagpapahirap sa lipunan pero ang hatol ay hindi masyadong mabigat katulad ng nauna kasi ang taong magnanakaw ay pwede pang mabago ang ugali ayon sa kanila.
Kahit magulo ang kinagisnang mundo ay hindi siya nagpatalo o nawalan ng pag-asa, sa murang edad at maliit na kapital nag-benta siya ng mga assorted goods sa kanilang lugar sapagkat wala namang suportaang kilusan na ibinibigay sa kanila kaya kailangan na lumaban para mabuhay.
“Nakikita ko ang mga pamilyang iniwan ng kanilang asawa na halos walang makain dahil ang asawa ay nasa misyon” wika ni Marlyn.
Ang pagbebenta nya ay malaking tulong para maitawid sa gutom ang kanyang pamilya na kahit patago-tago sa mga kalaban ay hindi naging hadlang para makapag-negosyo siya.
Sa kilusan niya na rin nakilala ang kanyang asawa na siyang nagbibigay ng liwanag sa kanyang madilim na karanasan at nagbibigay ng lakas para magpursige sa buhay at mas gumanda pa noong sila ay nagkaanak. Gustohin man nilang magbagong buhay at sumuko ay hindi nila ginawa dahil sa takot na sinasabi ng kanilang mga lider na sila ay pahihirapan hangang sila ay mamatay.
Ang lahat na magagandang pangyayari sa buhay nya ay biglang naglaho noong makita at mahulihan sila ng baril sa bahay. Sila ay agad na kinulong at inimbistigahan na nagdala sa kanila ng malaking takot para sa kanilang pamilya, hindi nila alam ang gagawin at kung kanino hihingi ng tulong. Sa ganoong sitwasyon may nakapagsabi sa kanila na dating kasamahan na sumuko na at makipag-ugnayan sa pamahalaan sapagkat ang kanilang sinasabi ay walang katotohanan na sila ay pahihirapan hanggang sila ay mamatay.
Sa edad na tatlumpu’t anim (36) nagpasya silang sumuko sa pamahalaan at nalaman na tama pala ang sinabi sa kanila na walang mangyayari sa kanila kapag sila ay sumunod ng maayos at makipagtulungan sa pamahalaan.
Mula ng magbalik loob sila sa pamahalaan ay unti-unting nabunutan ng tinik sa kanilang buhay at nag-umpisa silang mamuhay ng simple at nagtayo ng isang maliit na tindahan sa Kampo. Ang DSWD-Sustainable Livelihood Program ay nakapagbigay ng Php 20,000.00 na tulong pinansiyal para suportahan at mas payabungin ang kabuhayan. Ang nakuha nilang ayuda sa pamahalaan ay kanilang iningatan at binili ng tricycle para makatulong sa kanilang hanapbuhay.
“Nag-papasalamat ako sa pamahalaan at lalong-lalo na sa DSWD-Sustainable Livelihood Program sa tulong pinansyal na pinagkaloob sa amin na nakadagdag sa aming kapital at kita sa tindahan”., wika ni Marlyn.
“Masarap sa pakiramdam ang mabuhay ng tahimik at walang takot. Sa DSWD nagkaroon ako ng pangalawang pamilya na nagmamalasakit sa amin.” dagdag ni Marlyn.
Sa patuloy na pagpapatakbo ng kanilang negosyo, minsan sa isang gabi kapag marami ang bisita sa kampo malaki ang kanilang benta. Noong May 14, 2021 nakabenta at kumita sila ng mahigit 16,000 pesos sa isang araw. Nakapagpundar na rin sila ng mga gamit sa bahay tulad ng flat screen TV, component, refrigerator, tricycle, at motorsiklo na hindi katulad ng dati na hindi pwedeng magpundar dahil masasayang lang at maiiwan dahil sa pagtakas.
Sa ngayon, hanggad nila ang permamenteng lugar para makapagtayo ng bahay dahil ang lugar na kinalalagyan nila ngayon ay pansamantala lamang. Ayaw na nilang ng balikan o kahit magawang alalahanin ang nakaraan dahil ang buhay nila ngayon ay nabago na.
Ang Executive Order Number 70 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong December 4 ay iniinstitutionalize ng Pangulo ang Whole Nation Approach Policy. Layunin ng programa na makapagbigay ng basic services at social development packages sa mga conflict areas at vulnerable communities sa bansa para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng NPA. #kontribusyon ni PDO II-Evelyn Requiero