Sinuspinde ang kondisyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino (4pS) Program ng DSWD sa siyam na Munisipyo o Lungsod ng Probinsya ng Albay na apektado dahil sa patuloy na pagsabog ng bulkang Mayon .
Ayon kay Regional Director Arnel Garcia, suspendido ang kondisyon sa kalusugan, edukasyon at Family Development Session simula sa buwan ng Enero hangang Marso ngayong taon. Ayon pa rito, kung hindi nakasunod sa kondisyon ng Programa ang benepisyaryo ng 4Ps sa nasabing buwan ay patuloy pa rin silang makakatangap ng cash assistance na galing sa programa.
Aniya minarapat na sinuspende ng DSWD para mabigyan ng konsiderasyon ang mga pamilyang na-apektuhan ng pasabog ng bulkang Mayon at kasalukuyang naninirahan sa mga evacuation centers.
Ang mga munisipyo o lungsod na nasabing suspendido sa kondisyon ay ang Munisipyo ng Tabaco, Malilipot, Daraga, Camalig, Guinobatan, Sto. Domingo, Bacacay, at Lungsod ng Ligao at Legazpi.
Sa kasalukuyan, ayon sa talaan ng DSWD, labing anim na libo, tatlong daan at isangpung (16,310) benepisyaryo ng 4Ps sa isang daan apat na pu’t limang (145) barangay sa siyam (9) na munisipyo sa probinsya ng Albay ang apektado at nasa evacuation centers dahil sa pagsabog ng bulkang Mayon.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino ay programa ng pamahalaan na namumuhunan sa edukasyon at kalusugan ng mga batang 0 hangang labing walong taong (0-18) gulang mula sa mahihirap na samhabayan. ***GLindio-IO4Ps