Bilang isang ina, mahirap para kay nanay Elma na pag-aralin nang
magkakasabay ang tatlong mga anak. Simpleng maybahay lamang si
nanay Elma at ang kanyang asawang si Rey, ay isang drayber na
kakarampot ang kita. Laking pasalamat ng pamilya Gallora nang
mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa taong 2009.
Maraming hamon at pagsubok ang pinagdaanan ng sambahayang Gallora
tulad nang inatake ng mild stroke si tatay Rey noong Agosto 2015, dahilan
kaya hindi na nakapagtrabahong muli bilang drayber. Dumating rin sa punto
na namatay ang lahat nang kanilang alagang baboy dahil sa African Swine
Fever sa taong 2020, kasabay nang paglaganap ng pandemyang COVID19.
Sa kabila ng mga dagok, naging matatag at positibo ang kanilang pamilya.
Sa tulong ng buwanang Family Development Session (FDS), mas lumawak
din ang pag-iisip at nalinang ang pagka-madiskarte ni nanay Elma. Dahil
din sa FDS, marami siyang natutunan tulad nang maayos na pangangalaga

sa mga anak at pakikihalobilo sa kanilang pamayanan. Bukod pa dito,
malaki ang naitulong ng programa upang mapagtapos ng pag-aaral ang
panganay niyang anak na ngayo’y nagtatrabaho sa ibang bansa bilang
bartender. Sa kasalukuyan, graduating student ang pangalawang anak at
nasa 1st year college naman ang bunso. Sa tulong din ng programa ay
nagawa niyang mabigyang tuon ang kalusugan ng mga bata sa
pamamagitan ng pag-avail ng libreng serbisyo gaya ng tsekup at gamot sa
health center sa kanilang lugar. Mas napahalagahan din ang pagkain ng
masustansya upang maiwasan ang pagkakasakit. Sa tulong din ng
programa, nakapag-simula ng isang maliit na tindahan si Nanay Elma.

 

San Andres, Catanduanes – Napaunlad na tindahan ni Nanay Elma Gallora

 

Nang kalaunan ay napalago at napalaki ito na ngayo’y napagkukunan na
nila ng pang-araw-araw na pangangailangan at ng pagpapaayos nang
pangarap na bahay ng kanilang pamilya. Nagagalak ding ibinahagi ni
nanay Elma ang pagiging masinop ng kanyang mga anak na natututong
mag-online selling para makadagdag sa mga pangangailangan ng pamilya.
Pangarap ni nanay Elma na makapagtapos rin ng pag-aaral ang kanyang
dalawa pang anak na nag-aaral upang maabot nito ang kani-kanilang mga
pangarap sa buhay, sapagkat naniniwala siya na tanging edukasyon ang
kanyang maipapamana sa mga ito. Malapit nang mapagtagumpayan ng pamilya Gallora ang tanikala ng kahirapan na kasalukuyang nasa Level 3 o
self-reliant Pantawid beneficiary household. Mahirap maging mahirap,
subalit mas mahirap kapag hindi pinahalagahan ang tulong at hindi
nagsumikap upang makaalpas sa sikulo ng kahirapan.